Tekstong Prosijural
Hoseña, Karl C. BSCE 3-1 May iba’t ibang mga paraan ang pagtayo ng isang istruktura sa isang lugar na kung saan ay ito ay nangangailangan ng isang masuri at mahusay na pagunawa upang ito ay magkaroon ng resulta na inaasahan sa isang pinapatayong gusali. Una sa lahat ay mayroong tinitawag na “ Pre-Construction Stage ” na kung saan ito ay unang ginagawa na nagpapakita ng pagsimula sa paggawa ng isang istruktura. Makikita sa flowchart na may dalawang sangay ito na tinatawag na konstruksyon at gusaling pagpaplano at estimasyon Ang pagpaplano ay nakakatulong upang makita ang mga iba’t ibang mga taglay ng mga bahagi ng proseso sa paggawa ng istruktura. Dito isinasagawa ang mga bagay na kailangan sa pagbuo ng gusali katulad ng floor plan, elevation, cross-sectional, plumbing at elektrikal na gawain upang mapakita ang persepsiyon sa gagawing gusali. Pangalawa ay ang tinatawag na “ Construction Stage ”. Sa prosesong ito ay ipinakikita ang mga ginagawa at nangyayari sa pagb