Tekstong Prosijural

Hoseña, Karl C.

BSCE 3-1


 


            May iba’t ibang mga paraan ang pagtayo ng isang istruktura sa isang lugar na kung saan ay ito ay nangangailangan ng isang masuri at mahusay na pagunawa upang ito ay magkaroon ng resulta na inaasahan sa isang pinapatayong gusali.

 

Una sa lahat ay mayroong tinitawag na “Pre-Construction Stage” na kung saan ito ay unang ginagawa na nagpapakita ng pagsimula sa paggawa ng isang istruktura. Makikita sa flowchart na may dalawang sangay ito na tinatawag na konstruksyon at gusaling pagpaplano at estimasyon Ang pagpaplano ay nakakatulong upang makita ang mga iba’t ibang mga taglay ng mga bahagi ng proseso sa paggawa ng istruktura. Dito isinasagawa ang mga bagay na kailangan sa pagbuo ng gusali katulad ng floor plan, elevation, cross-sectional, plumbing at elektrikal na gawain upang mapakita ang persepsiyon sa gagawing gusali.

 

Pangalawa ay ang tinatawag na “Construction Stage”. Sa prosesong ito ay ipinakikita ang mga ginagawa at nangyayari sa pagbuo ng istruktura. Makikita sa prosesong ito na mayroong tatlo na sangay na tinatawag na pundasyon, panloob at panlabas at ang masonry na trabaho. Ang pundasyon ay masasabi na isang pinakaimportante dahil ito ang makikita sa pinakailalim ng gusali na kung saan ang buong gusali ay nakasalalay sa pundasyon dahil kung ang pundasyon ay hindi maayos ang istruktura ay may posibilidad na gumuho. Ang panlabas ay makikita na isang ipinaghalong semento at buhangin ang ginagamit sa pagtapal sa panlabas na bahagi ng gusali. Ang paglalagay ng plaster ay maaaring magsilbi na malaking tulong upang gawing malakas ang istruktura ng gusali at protektahan ito mula sa mga hindi inaasahang epekto ng panahon at gawin itong maayos maging sa panloob na disenyo ay ginagawa ng mga eksperto sa larangang ito. Katulad sa masonry na trabaho na kung saan ito ay may kinalaman sa paggawa ng gusali gamit ang mga semento, hollow block at mga bato na tulad ng hollow block ay ito ay may curing period na 28 na araw ang kinakailangan upang ito ay magkaroon ng sapat na lakas at tibay upang maging matatag ang istruktura na ginagawa.

Comments

Popular posts from this blog

Pangkatang Gawain