Sanaysay

Hoseña, Karl C. 

BSCE 3-1


Kabataan ay pag-asa ng bansa

Ating matatandaan na ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay nag-iwan ng isang napaka-tanyag na salita na “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan” at nagpapahiwatig ito na ang mga kabataan ay mayroon na kakayanang taglay upang ipaglaban at ipagtanggol ang ang ating bansa. Ngunit sa panahon bang ito, Sa mga kamaliang nagawa ng mga kabataan ng ating bansa ngayon, maari pa rin ba na ito ay maitama at ang pagiging isang kabataan ay tuluyan parin maging pag-asa ng ating bansa?

Sa pananong ngayon na kung saan ay marami ng iba’t ibang mga klase ng kabataan sa ating bansa. Mga kabataan na kung saan ay may mga sariling persepsyon at adhikain para sa kanilang mga sarili na kung saan maaring makadulot ng maganda o hindi maganda sa bansa. Dito marahil maipapasok ang mga bisyo na mayroon ang mga kabataan sa panahon ngayon, ito man ay pag- inom ng alak, paninigarilyo o gumamit ng mga hindi dapat gamitin na mga gamot.

May mga solusyon upang ito ay malunasan ang mga ganitong bagay na kung saan ang importanteng gawin sa lahat ay unang-una mahalin ng lubusan ang pag-aaral o ang edukasyon na kung saan ito ay magsisilbing malaking tulong o daan upang makamit ang mga pangarap sa buhay. Sa pamamagitan ng pagkakaroon at pagtatapos ng edukasyon, ito ay maaring magdulot ng pag- unlad ng estado ng buhay ng isang tao at dahil doon pati ang ang bansa ay uunlad. Dahil dito, mapapatunayan ang mga sinabi ng ating pambansang bayani na ang kabnataan ay ang pag-asa ng bayan. Mga kabataan mismo ang siyang magbibigay ng direskyon o tulay ng pag-unlad sa ating bansa.

Comments

Popular posts from this blog

Pangkatang Gawain