Tekstong Impormatibo
Hoseña, Karl C.
BSCE 3-1
Kung ating matatandaan ang mga pangyayari sa ating wika na kung saan ang mga bawat henerasyon at panahon ay nagdudulot o nagbibigay ng maraming mga epekto at konsepto sa buong bansa na kung saan sa bansang Pilipinas sa kasalukuyang panahon ay nagiging moderno na ang henerasyon at ang neolohismo ay patuloy lumalaganap Ngunit, ano at paano nga ba nagsisimula ang neolohismo? Ano ang kadahilanan ng paglaganap ng neolohismo? Ito ba ay may posibilidad na makaepekto sa bansa?
Ang wikang Filipino ay lumalaganap sa paglipas ng panahon. Salitang Filipino at Pilipino, ito ay tumutukoy sa isang klase ng tao o asignatura. Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa upang masuri at matiyak ang mga impluwensiya ng neolohismo sa kasanayan sa pakikipagtalastasan bilang dinamiko ng wikang Flipino lalo sa pormal na edukasyon. Marami ng pagbabago ang nangyari sa wikang ito dahil sa pagkakaroon ng mga impluwensiya ng neolohismo mula sa mga salitang nabuo ng iba't ibang henerasyon. Ito ay nakatutulong upang maunawaan at mapadali ang pag-aaral ng mga estudyante sa kanilang edukasyon. Ito ay naging bahagi ng ating pamumuhay sa araw-araw at hanggang sa ngayon na modernong panahon. Ang neoholismo ay isang bagong terminong salita na nasa proseso ng pagpasok sa pangkaraniwang gamit, subalit hindi pa ganap na tanggap sa wika. Mayroong neolohismo na batay sa opinyon ng marami ay hindi kinakailangan. May mga wika na hindi na kinakailangan na palitan katulad ng smartphone at mayroon na kinakailangan baguhin tulad ng hard drive, laptop, atbp. Ayon kay Sussith, D. (2022), Bilang mga mamayanan, ang bawat isa ay may kakayahang makapag-isip at makapagtalaga gamit ang wikang pambansa. Sa kasalukuyang panahon, ang neolohismo ay patuloy na lumalaganap. Ito ay may malaking kakayanan na umangkop at makabuo ng mga bagong salita. Ito ay may posibilidad na magkaroon ng iba't ibang mga pinagmulan at maaari itong maging isang kayamanan ng wika. Ang katotohanan, ito ay nagbago at nagbabago at iyon ang kadahilanan kung bakit nagkakaroon ng mga bagong imbensyon at paraan ng paglalahad na nangangailangan ng mga bagong salita. Ang pangangailangan na makabuo at magkaroon ng mga bagong salita ay lubhang kailangan at hindi maiiwasan.
Sa kadahilanan ng pagbabago sa kultura, paniniwala at gawi ng mga mamamayanan, mabilis ang pagkakaroon ng mga komunikasyon, mabilis ang paglaganap ng mga kaalamanan mula sa iba’t ibang lugar sa daigdig lalo na sa larangan ng pormal na edukasyon kung kaya’t nakakabuo ng mga bagong salita. Ang posibleng solusyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay naisin na pagtuunan ang neolohismo bilang paksa upang mainitidhan ng lubusan at mabigyan ng pansin ang paglaganap nito sa larangan ng edukasyon at bansa. Bigyang kahalagahan ang neolohismo sa kasalukuyag panahon at magkaroon ng sapat na kaalaman sa iba’t ibang paraan kung paano lumalaganap ang neolohismo sa modernong panahon para ito ay hindi basta lamang maglaho kundi makasabay ang mga mag-aaral sa paglaganap nito sa pormal na edukasyon at sa bansa. Ugaliing mapanuri kung ang nagagamit ay isang neolohismo upang ito ay mapalawak ang kaisipan at mapagtanto kung bakit nabuo ang salitang iyon sa pamamagitan ng ginamit na paraan at hindi sa ibang aspeto. Kung hindi pumasok sa kultura ng wika ang neolohismo, maaaring natural itong mawala at maglaho. Kung kaya’t ang pagtanggap ng mga mamamayan ang pinakamahalagang paraan upang ito ay manatiling buhay bilang bahagi ng wika.
Sanggunian:
Espinosa, M. (2019). Dinamiko Ng Wikang Filipino: Impluwensiya Ng Neolohismo Sa Kasanayan Sa Pakikipagtalastasan. Nabawi mula sa https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/AAJMRA/article/view/7788
?. (2022). Ano ang Neologism. Nabawi mula sa https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado- de-neologismo
Sussith, D. (2022). Intro Duks Yon. Nabawi mula sa
https://www.scribd.com/document/437343036/Intro-Duks-Yon
Roldan, M. (2022). Ano ang mga neologism. Nabawi mula sa https://www.recursosdeautoayuda.com/tl/mga-neologism/
Grand Tree Moose 7. (2022). Aralin-10-Neologismo. Nabawi mula sa https://www.coursehero.com/file/97411191/Aralin-10-Neologismopptx/
Comments
Post a Comment