Tekstong Argumentatibo

Hoseña, Karl C.

BSCE 3-1


Argumento:

Sang-ayon ka ba sa pananakop ng Russia sa Ukraine? Ano ang epekto ng digmaan sa mundo ng engineering?


Kung ating matatandaan ang pangyayari sa nakaraan na kung saan ang pangalawang digmaang pandaigdig ay nagdulot ng marami mga hindi magagandang epekto sa buong bansa na kung saan sa bansang Pilipinas na ayon sa Country Studies ay nagdulot ito na sinasabing isang milyong tao ang nasawi at ito rin ang nagdulot ng kasiraan sa mga pisikal na estraktura sa ating bansa. Ano nga ba ang kadahilanan ng pananakop ng Russia sa bansang Ukraine? Ito rin ba ay may posibilidad na makaepekto sa larangan ng engineering?

Sa balitang nalaman na kung saan idineklara ni Pangulong Putin na hindi maramdaman ng Russia ang pagiging ligtas dahil sa sinabi niyang patuloy na banta mula sa bansang Ukraine. Kaagad, ang mga lugar ng paliparan at ng militar ay inatake, pagkatapos ay ang mga tangke at mga tao ay pumunta na nanggaling sa Russia. Ngayon, binomba ng mga eroplanong pandigma ang mga pangunahing lungsod. Nabanggit na ang layunin ay protektahan ang mga taong napapailalim sa pambu-bully at genocide at layunin para sa iwaksi ang Nazification ng Ukraine. Sa aking opinion at palagay ay hindi ako sang-ayon sa mga nangyaring pananakop ng Russia sa Ukraine dahil ito ay maari rin na mangyari ang naidulot ng pandaigdigang digmaan na kung saan ay maraming naapektuhan hindi lamang tao at estrucktura kundi pati ang ekonomiya ng mga bawat bansa. Malinaw ngayon sa kanilang mga pinakitang mga kilos na paglusob ay ang Russia ay naghahangad na sakupin ang malalaking lungsod at ang demokratikong tao na kanilang inihalal na pamahalaan sa bansa ng Ukraine ay ibagsak dulot ng kanilang pananakop sa nasabing bansa.

Ang mga digmaan sa mundo ay labis-labis na mayroong malaking dulot na epekto sa iba’t ibang mga larangan sa mundo na mayroon ngayon. Kung ating titingnan at iintidihin na mabuti, ang epekto ng digmaan sa mundo ng engineering ay labis na magdudulot ng hindi magandang kalalabasan na kung saan ang engineering ay nangangasiwa at nag-aaral sa mga estructukra, teknolohiya at iba sa bansa na maaring masira at makaepekto sa larangan ng engineering. Kung kaya ay sa aking palagay ay hindi ako sang-ayon sa nangyaring pananakop ng bansang Russia sa Ukraine.

Comments

Popular posts from this blog

Pangkatang Gawain